Mulat nang Napiringan

***A monologue in commemoration of EDSA People Power***

Tagpo 1. Sa Isang Kampo, Kapanahunan ng Martial Law- Gabi

Madilim ang kwarto. Ang ilaw ay nakatapat sa isang lalaking nakaupo, nakabigkis sa makapal na tali. Siya ay duguan matapos maltratuhin.

Biktima

Panginoon, wag sanang gamitin ang mga bersikulo mo upang takpan ang mga balahura ng panahong ito. Wag sanang tangkain na palitan ang mga hinaing namin sa mga oras na ito dahil kami ngayon ay natakpan na ng piring upang hindi patuloy na makita ang nakakaririmarim na katotohan, pati na rin ang aming bibig upang isambit ang mga katotohanang ito.

Sabihin mo sa akin kung ito ay nararapat sa akin… sa aming nakikipaglaban sa kalagitnaan ng lahat ay naniniwala ay disiplina lang ang kailangan na ito ang sagot sa lahat. Na ang demokrasya ay walang magagawa upang maisayos ang lahat, na ang pag-ibig sa bayan ay katumbas lang ng pananahimik sa kung ano ang nangyayari matapos ang takipsilim. Hindi ito ang aking kinagisnan… pinaglaban ito ng ating mga ninuno at patuloy tayo sa pagtatanggol nito.

Sabihin mo kung sinong makasarili. Oo nga’t kami’y nakatingala pero alam namin ang nangyayari dito sa ibaba. Madugo, madilim, masikip… hindi ko mawari. Konting sigaw ikaw ay sasapakin, konting reklamo ikaw ay huhulihin, konting hinanakit sa sistema ikaw ay hahamakin at kung manlaban man sa kung ano ang tama, ikaw ay ibibigkis, pipiringan at mawawala… mamamatay ng bigla.

Sabihin mo, sabihin mo kung tama pa ba ito. Sabihin mo kung nasaan ako nakatayo. Hindi ako ang nasa ibabaw, hindi ako ang nasa kapangyarihan… ordinaryong Pilipino lang ako na nakita ang pagkaganid ng mga nasa pwesto. Hindi ako santo para matama ang lahat pero hindi rin ako bobo upang hindi maintindihan ang epekto nito. Sabihin mo kung tama bang ilugmok ko ang aking mga paa sa semento ng pag-asenso na sinasabi nila. Tinuruan ako na magkaroon ng malasakit sa bayan at ang pakikibaka tungo sa tama ang lakad ng aking mga paa ang sambit ng aking mga bibig.

Kaya’t sabihin mo? Sabihin mo kung naasan ang hustisya? Nasaan ang pagkakapantay-pantay… ang respeto… ang pagiging matino… ang pagiging makatarungan… ang pagiging tapat… ang pagiging makabansa. Sabihin mo kung ngiting ‘yan ay hindi makasarili… sabihin mo habang nasasambit ko pa ang mga salitang ito… sabihin mo… sabihin mo kung tama pa ba ang Bagong Lipunang ito!

Sabihin mo sa mga anak at anak niya na ‘wag sana siyang mabahala, dahil alam kong napagtanggol ko siya. Sabihin mo sa kanya na ‘wag siyang magpakabulag… magpakatanga… lalo na sa masasamang impluwensya. Sabihin mo na mahal ko siya… kaya’t ipagtatanggol ko ang inang demokrasya hanggang kamatayan… para magawa niya kung ano ang gusto niyang pangarapin sa kanyang tanang buhay. ‘Wag niyang hayaang burahin ang salaysay naming ito at palaging buksan ang kanyang isip dahil ang mga bukas na aming ibubuwis ay ang mga bukas na laan sa kanyang ikasasaya.

Namatay ang ilaw, maririnig ang isang putok ng baril.

Tapos.

Advertisements

Author: Macoi Garcia

Storyteller. Writes for what my heart and mind says.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s